Ang kantang “Upuan” ni
Gloc-9 ay napag-isipan kong suriin gamit ang Marxismo sapagkat ipinapakita nito
ang malaking agwat ng mayayaman at mahihirap sa ating bayan. Ang mensahe ng
kanta ay nakasentro sa napakalaking isyu ng kahirapan sa ating bansa. At sa pamamagitan
ng “music video” ng kantang ito, nabigyang diin at lalong naipakita kung gaano
kalaki ang epekto ng korupsyon at kahirapan sa Pilipinas.
Base sa liriko ng kantang ito, nagbibigay ng sitwasyon si Gloc-9 kung saan
lubos na naipapakita ang kahirapan sa ating bayan. Sa unang berso, inilarawan
niya ang sitwasyon ng isang mayaman na mayroong napakaraming bagay na wala ang
mahihirap. Inilarawan niya ang bahay na malaki, “may malawak na bakuran,
matataas na pader at pinapaligiran ng mga mamahaling sasakyan”. Sa loob naman
ay palagi may mga taong naka-barong, palaging merong pagkain na “hindi tutong”
at palaging may hamon kahit walang okasyon. Ilan lamang iyan sa mga ginamit na
paglalarawan ukol sa buhay ng mayayaman.
Sa ikalawang berso naman, inilarawan naman ang buhay ng mahihirap. Ginamit niya
rito ang punto-de-bista ng isang mahirap. At kasalungat sa buhay ng mayayaman,
ikinumpara niya ang buhay ng mahihirap. Kumpara sa bahay ng mayayaman, ang
kanila daw ay gawa mula sa “tagpi-tagping yero” lamang. At kung may makakain
araw-araw ang mayayaman, sila daw ay umaasa lamang sa “ulam na tuyo’t asin” na
pinagkakasya lamang sa singkwenta pesos. Bukod pa dito, nakakakain lamang sila
kapag sumweldo ang kanilang ama. Ang aking mga nabanggit ay ilan lamang sa
napakaraming halimbawang inilarawan ng may akda. Sa dulo ng bersong ito,
napag-isip-isipan ng persona kung masyado lang “maraming harang” ang
pumapagitan sa mayayaman o mahihirap o sadya lamang na “nagbubuluag-bulagan”
ang mga ito upang maiwasan ang sitwasyon na ito. Sa ating bansa, masasabing ito
ay totoo sapagkat ang mayayaman at mga pulitiko ay walang ginagawa upang
masolusyonan ang problemang ito.
Sa chorus naman ng kanta, sinisimbolo ng “upuan” ang kalagayan ng mga
mayayaman, at ang kanilang maginhawang buhay. Iniimbitahan ng may akda na
“tumayo” sila nang makita naman nila ang “tunay na kalagayan” ng mga mahihirap.
Napakaepektibo ng ginamit na simbolismo dito sapagkat isa itong pahiwatig ng
sitwasyon n gating bayan.
Sa “music video” naman ng kantang ito, paulit-ulit na ipinapakita ang isang
upuan na inuupuan ng mga kumakanta at ng mayayamang tao. Ipinakita ang
kaginhawahan ng buhay ng mga mayayaman habang sila ay nakaupo sa upuan. Habang
nakaupo ang mayayaman, ang mga mahihirap ang siyang naglilinis ng inuupuan ng
mga mayaman at nagpupulot ng mga hinuhulog ng mga ito. Ipinapahiwatig nito na
ang mga mahihirap ang siyang nagpapakahirap para sa maginhawang buhay ng mga
mayayaman. At sa pagitan ng pagpapakita ng mga mayayaman at pagkanta ng mga
artista, ay ipinapakita rin ang biswal na presentasyon ng mga bagay na
maririnig sa liriko ng kanta. Ilang halimbawa ng mga naipakita sa bidyo: ang
mga taong nakabarong, ang mga kutsara at tinidor na “hindi kilala ang tutong”,
ang takureng “uling-uling”, ang kalderong “kayamanan” ng ina ng persona, at iba
pa. Bukod pa dito, may mga puntong ipinapakitang kinakausap ni Gloc-9 ang
mayayaman, subalit hindi siya pinapansin at patuloy lamang sa kanilang
ginagawa. Sinasalamin nito ang nangyayari sa ating lipunan. May mga taong
ipinapakita sa mga mayayaman at may kapangyarihan ang sitwasyon ng mga
mahihirap ngunit pinpilit nilang hindi making upang hindi maistorbo ang
kanilang maginhawang buhay. Sa dulo ng bidyo, nakitang ipinaranas sa mayayaman
ang mabuhay nang mahirap sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanilang magagarang
damit upang palitan ng damit-mahirap. At bukod pa dito, naranasan din nila ang
mga ginagawa ng mahirap tulad ng kumain gamit at kamay at ang paggawa at
pag-ayos ng upuang sila mismo ang nakaupo kanina.
Paulit-ulit
at nangingibabaw ang upuan sa buong tagal ng bidyo. Dahil dito, mas nabibigyang
pansin at diin ang nasabing “upuan”. Makikita mo rin na may takip sa bibig si
Gloc-9 sa ilang punto ng bidyo. Sinasabi nito na walang boses at hindi
naririnig ang mga hinaing ng mga tao. Nais imulat ng may akda ang mga mamamayan
sa sitwasyon na ito ng ating bansa. Ang hinihingi lamang ng may akda sa mga
mayayaman ay “tumayo” mula sa kanilang mga “upuan” upang makita ang naghihirap
na sitwasyon ng bayan sapagkat sila ang nasa posisyon upang lutasin ang
problema ng kahirapan at korupsyon sa bansang Pilipinas.
Ivan Ubalde 4C
maraming salamat po! malaking tulong po ito sa aking proyekto! God bless!
ReplyDeleteThank you po, malaking tulong po ito sa takdang-aralin ng pinsan ko.
ReplyDeleteThank you po
ReplyDeleteKailan ba Ito isinulat
ReplyDeleteThanku!
ReplyDeleteSalaamach
ReplyDeletemaraming salamat po malaking tulong saaming takdang aralin po ito
ReplyDeletethank you po
ReplyDeleteThank you pos sa nag aral patungkot rito. Sobrang napakalaking tulong nito lalo na sa aming mga mag aaral
ReplyDeleteThank you pos sa nag aral patungkot rito. Sobrang napakalaking tulong nito lalo na sa aming mga mag aaral
ReplyDeleteSalamat po
ReplyDeleteThank you po
ReplyDeleteMaraming salamat po mas naiintindihan ko ang mensahe ng kanta dahil dito
ReplyDeleteHg
ReplyDeleteMga ginamit na salita sa na may kaugnay sa isyung lokal at internasyunal sa kanta
ReplyDelete